Pagbebenta ng Single-use Plastic Items, Bawal na sa Germany

Simula sa ika-3 ng July 2021, ipagbabawal na ng Germany ang pagbebenta ng mga bagay na gawa single-use plastic tulad ng straws, cotton buds, food containers, kubyertos, balloon holders, cups, at boxes.
Sinabi ni Environment Minister Svenja Schulze na ito ay isang hakbang upang puksain ang ‘throw-away culture’ ng bansa.
Dagdag pa ni Schulze na mahigit 20% ng mga basurang nakokolekta sa mga parks at iba pang pampublikong lugar ay mga bagay na gawa sa single-use plastic, tulad ng polystyrene containers.