Pagbibigay Konsiderasyon sa mga Estudyanteng nasa Private Schools, Idiniin ni Sotto

Iminungkahi ni Senate President Vicente Sotto III na lumikha ang Department of Education (DepEd) ng mga hakbang at guidelines upang mas mapagaan at mapadali ang pagbabayad ng tuition fee ng mga estudyante sa mga private schools.
Ipinaliwanag ni Sotto na dahil COVID-19 pandemic, magiging mabigat sa bulsa ang pagbabayad ng gastusin sa paaralan dahil madaming negosyo at kumpanya ang naapektuhan ng krisis sa bansa.
Dagdag pa niya, dapat na mas maging makonsiderasyon ang mga pribadong institusyon sa paglalaan ng flexible na payment schemes sa mga magulang.
Isinaalang-alang naman ng DepEd ang pagtaas ng mga gastusin sa private schools upang maiwasan ang bankcruptcy sa gitna ng pandemic.
Sinabi naman ni DepEd Undersecretary Jesus Mateo na dapat balanse ang pag-uusap ng mga magulang at mga empleyado sa paaralan upang maging win-win situation ang anumang bagong sistemang maipatutupad ng institusyon.