Pagbubukas Muli ng mga Gym sa Ilalim ng GCQ Delikado Pa

Hindi muna papayagan ang pagbubukas ng mga fitness gym kahit nasa ilalim na ng General Community Quarantine.

Ipinaliwanag ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na kailangang ibalance at tignan ang bawat anggulo para makaiwas sa pag transmit ng virus.

Ayon kay Lopez, delikado at hindi advisable ang muling pag-operate ng mga ‘fitness gym’ dahil hindi sila nakakasigurado kung sanitized nga ba ang mga gym equiments na ginagamit at maaring magdulot ng mabilis na pagkalat ng nakahahawang COVID-19.

Gayunpaman, kapakanan parin ng mga mamamayan ang kanilang ikinokonsidera bago payagang magbukas ang iba’t ibang sektor sa ilalim ng GCQ.