• Cathy G

Pagbubukas ng Klase, sa Agosto na

Inihayag ng Department of Education na sa Agosto na ang pagbubukas ng klase habang patuloy ang paglaban ng bansa sa Corona virus pandemic.

SInabi ni DepEd Sec. Leonor Briones na magsisimula sa August 24, 2020 ang klase at magtatapos ito sa April 30, 2021.

Ayon kay Sec. Briones ang pag delay sa pagbubukas ng klase ay base narin sa mga konsultasyon na kanilang isinagawa.

Nilinaw din ng kalihim na hindi lahat ng teacher at estudyante ay kailangan magreport sa mga eskwelahan kapag nagsimula na ang klase bunsod narin ng pinaiiral na lockdown sa ibang lugar.