top of page

Pagbubukas ng Tiangge at Bazaar, Papayagan ng DTI


Kabilang ang tiangge at bazaar sa mga negosyong papayagang buksan ng Department of Trade and Industry (DTI) ngayong taon upang muling buhayin ang naghihingalong ekonomiya ng bansa sa kabila ng krisis na kasalukuyang nararansan.

Ayon sa panayam ng Radyo Pilipino sa programang “Pulsong Pinoy” kay DTI Secretary Ramon Lopez, kagaya ng retail operations ay papayagan ng pamahalaan na muling buksan ang mga ‘tiangge at bazaar’ ngayong nalalapit na ang holiday season upang mabigyan ng pangkabuhayan ang ating mga kababayan.

Kaugnay nito, kinakailanganin paring sumunod sa health protocol ng gobyerno gaya ng pagsusuot ng face shields, face masks at mahigpit na physical distancing sa mga pampublikong lugar upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

bottom of page