top of page

Pagbukas ng School Year 2020-2021, Magsisimula sa Setyembre

Updated: Apr 25, 2020

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Government Task Force on the Coronavirus Outbreak na ilipat ang pagbukas ng klase para sa school year 2020-2021 sa Setyembre. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, dapat i-consider ng lahat ng eskuwelahan ang late opening sa Siyeptembre, liban na lamang sa mga online learning. Sinabi naman ni Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan na ang pagbubukas ng klase ngayon taon ay hindi nangangahulugan na kailangan ng pumunta ng mga estudyante sa paaralan. Pinag-iisipan din ng Department of Education ang paggamit ng information communication technology o ICT platforms tulad ng telebisiyon at radyo sa pabibigay lessons ng mga mag-aaral ngayong kasagsagan ng COVID pandemic.





bottom of page