top of page

Pagbuo ng ALS Bureau, Pasado sa Huling Pagbasa sa Kamara


Photo from World Bank Group.

Inaprubahan na ng Kongreso ang huling pagbasa ng pinapanukalang Alternative Learning System (ALS) Act na nilalayong bumuo ng Bureau of Alternative Education.

Pasado, sa botong 224-0-0, ang House Bill No. 6910 na layuning masiguro na may pantay na oportunidad ang ALS learners na makatanggap ng ALS programs.

Layunin din ng panukalang batas ang pagtatayo ng ALS Community Learning Centers sa bawat siyudad at munisipalidad sa bansa.

Pangungunahan ng Bureau of Alternative Education ang pangangasiwa sa mga polisiya, curriculum, at learning program development sa ilalim ng ALS.

Manggagaling ang pondo ng ALS mula sa Flexible Learning Options budget ng Department of Education.

bottom of page