top of page

Pagbuo ng Medical Reserve Corps, Itinutulak sa Kamara


Isinusulong ng nasa apat na panukala sa Kongreso ang pagbuo ng Medical Reserve Corps (MRC) na papayagang magamit ang mga medical workers, na non practicing ngunit sa panahon ng medical emergencies.

Ayon kay House Speaker Alan Cayetano, bubuuin ang pinapanukalang MRC ng mga college graduates na may degree sa health-related courses tulad ng medisina, nursing, medical technology, at iba pa, ngunit hindi pa nakakakuha ng lisensiya.

Sinabi ni Cayetano na marami umano sa mga Pilipino mula sa medical community ang nais makibahagi sa laban ng mga medical frontliners kontra COVID-19 at dapat raw payagan sila ng gobyerno na makatulong.

bottom of page