top of page

Pagdaos ng mga Religious Gatherings, Pwede na sa Ilalim ng Modified General Community Quarantine


Upang muling buhayin ang pananampalataya at pag-asa ng mga Pilipino sa panahon ng krisis, pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) na magsagawa ng mga gathering at worship service ang iba't ibang religious organizations sa mga modified general community quarantine (MGCQ) areas.

Ayon sa guidelines na inilabas ng IATF, hindi maaaring mapuno ang mga pasilidad ng pagsama, at 50% ng lugar lamang ang pwedeng gamitin.

Kilangang magkaroon ang mga pasilidad ng foot bath para sa mga papasok at lalabas sa mga establisyemento.

Mahigpit namang ipinagbabawal na makapasok ang nga bata at matatanda.

Gayundin, mahigpit na ipinapasulat ang mga pangalan at contact number para sa contact tracing.

Hindi din maaaring magkaroon ng physical contact sa loob ng mga simbahan gaya ng pakikipag-kamayan, yakapan, beso-beso at pagmamano.

Inaasahan ng pamahalaan na makikipagtulungan ang mga mamamayan upang makapagdaos ng ganitong mga pagsamba ng matagumpay at payapa sa kabila ng COVID-19 pandemic.

bottom of page