Pagdaraos ng Translacion ng Itim na Nazareno sa Maynila ngayon Enero 2021, Posibleng Ipagpaliban


Posibleng kanselahin ang nakatakdang pagsasagawa ng Translacion ng Poon ng Itim na Nazareno sa paparating na Enero sa susunod na taon dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19)

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, maaring ipagpaliban ang pagsasagawa ng Translacion gawa ng banta ng kumakalat na sakit hangga't wala pang bakuna ang pamahalaan kontra COVID-19.

Humingi naman ng pag-unawa at paumanhin ang alkalde sa mga deboto sapagkat mapanganib sa kasalukuyang sitwasyon kung ipipilit ang tradisyon ngayong mayroong pandemya.

Dagdag ng alkalde, maliban sa personal na pagbisita sa Poon ng Itim na Nazareno ay maari rin itong mahanap gamit ang teknolohiya upang gunitain ang naturang pagdiriwang.