Pagdura, Ipinagbabawal na sa San Juan City


Aprubado na ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang City Ordinance No. 62, series of 2020 o ang tinatawag na “Anti-Spitting Ordinance of 2020” kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang pagdura sa mga pampublikong lugar sa lungsod.

Maliban sa pagdura ay kabilang din sa nilagdaang ordinansa ng alkalde ay ang pagbahing at pagsinga sa mga pribadong establisyimento at pampublikong lugar gaya ng mga bangketa, palengke, terminal, malls, at iba pa upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa naturang lungsod.

May kaukulang parusa naman ang sinumang lalabag sa ipinapatupad na ordinansa sa

buong San Juan City.

Pagmumultahin ang violators mula P500 para sa 1st offense; P2,000 para sa 2nd offense; hanggang P5,000 para sa 3rd offense at posibleng isailalim sa isang health seminar sa pakikipagtulungan ng Department of Health.