top of page

Paggamit ng Automated Vote-Counting sa Elections 2022, Pinanukala ng COMELEC sa Senado


Isinulong sa Senado ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Marion Casquejo ang panukalang paggamit ng proseso ng automated vote-counting sa Elections 2022.

Sa panukala ni Casquejo, ipapasok sa isang machine ang voter’s receipt kung saan ito ma-iiscan at maveverify sa electoral board bago ito mapunta sa board of canvassers.

Umani ng iba’t-ibang reaksyon mula sa mga senador ang proyektong nagkakahalagang P26.5 billion.

Iginiit ni Senator Imee Marcos na ginamit na raw sa COVID-19 response ang pondo ng gobyerno at wala na itong pera ang gobyerno.

Sinabi naman ni Casquejo na ipinadala na ng Comelec ang panukala sa Department of Budget and Management at naghihintay pa ito ng feedback mula sa DBM.

bottom of page