top of page

Paggamit ng Generators Tuwing Brownout, Binalaan ng DOH


For illustration purposes only.

Sa inilabas na babala ng Department of Health (DOH) ay mahigpit na ipinagbabawal sa publiko ang paggamit ng generator sets sa loob ng bahay o sa mga saradong lugar tuwing brownout dahil may masamang epekto ito sa kalusugan ng tao.

Ayon sa kagawaran, ang generator sets ay nagdudulot ng carbon monoxide poisoning na kalimitang colorless at odorless gas na posibleng maging sanhi ng pagkamatay o pangmatangalang epekto sa kalusugan ng tao.

Dagdag ng DOH, sa paggamit ng generator sets ay tiyakin na maayos na gumagana ang exhaust system nito, panatilihin na sumusunod sa safety instructions na isinasaad ng manufacturer, at palagiang magsagawa ng regular maintainance bago ito gamitin.

Paalala ng ahensya, sakaling makaranas ng pananakit ng ulo, pagkahilo, hirap sa paghinga, at pagsusuka habang gumagamit ng generator sets ay agarang magtungo sa pinakamalapit na health facility.

bottom of page