Paggamit ng Smartphone Habang Naglalakad, Ipinagbawal sa Isang Lugar sa Japan!

Ipinagbawal sa Yamato City ang nakasanayang paggamit ng smartphones habang naglalakad sa lansangan o sa mga pampublikong kalsada sa Japan dahil maari umano itong maging sanhi ng hindi inaasahang aksidente.
Sinimulan ang pagpapatupad ng polisiyang ito sa railway station ng Yamato City sa pamamagitan ng recorded na boses ng isang babae na ipinatitigil ang paggamit ng smartphones at hinihikayat na gamitin na lamang ito kapag sila’y nakatungo na sa kanilang destinasyon o habang nakatigil sa paglalakad.
Sa ngayon, wala pa munang parusang ipapataw sa mga lalabag ngunit inaasahang magtutuluy-tuloy ito upang masiguro ang kaligtasan ng publiko sa lansangan.