top of page

Pagkakaroon ng E-commerce Bureau, Aprubado na ng House Committee


Upang masiguro ang seguridad at malinis na takbo ng online market sa bansa, inaprubahan ng House Committee on Trade and Industry ang pagkakaroon ng e-commerce bureau.

Ayon kay Valenzuela City first district Representative Wes Gatchalian, magiging sentro 'di umano ng awtoridad ito para sa mga mamimili at merchants sa kanilang mga transaction online.

Nakasaad sa bill ang mga batas na dapat sundin ng mga online sellers, mga legal na proseso sa pagbebenta ng mga produkto, mga detalyeng dapat malaman ng consumers, at pagpaparehistro ng business at produkto sa mga kinakailangang agencies.

Gayundin, dinidiin din ng panukalang ito ang tahasang pagbabawal sa pagkakansela ng online food delivery services kung nabayaran na ito ng service provider o driver, pero maaaring ikansela ang order kapag nagkaroon ng isang oras na delay dahil sa delivery personnel.

bottom of page