top of page

Pagkakaroon ng ‘Mantra’, Makakatulong para Labanan ang Anxiety ngayong Pandemya, ayon sa Eksperto


Isang malaking hamon at dagok sa mental health ng bawat isa ang kasalukuyang kinakaharap ng mundo na COVID-19 crisis, kaya naman ayon sa isang eksperto, malaking tulong ang pagkakaroon ng ‘mantra’ at iba pang mga pamamaraan sa mga panahon ng pagkabalisa o anxiety.

Sa isang interbyu na pinaunlakan ni Professor Elmer Mores, isang Psychologist at kasalukuyang Guidance Counselor ng De La Salle - College of Saint Benilde, kasama ang Radyo Pilipino sa programang Pulsong Pinoy, binanggit niya na malaki ang magagawa ng pagkakaroon ng ‘mantra’ upang madistract ang process ng negatibong pag-iisip ang pag-aalala ng utak ng tao.

Ang mga salitang “All is calm.” at “Have faith in God.”, ‘di umano, ayon kay Mores, ay mga bagay na pwedeng ulit-uliting sabihin o isipin ng taong inaatake ng pagkabalisa dahil sa kinakaharap na pandemya ng mundo sa ngayon.

Gayundin, idiniin niya ang kahalagahan ng physical exercise upang mapagtagumpayan ang COVID-19 anxiety.

Ayon sa propesor, kapag gumagalaw at na-iistress ang katawan, nagpoproduce ang utak ng endorphin, o happy hormones.

Ang pagkakaroon din ng hobby o hilig, ayon kay Mores, ay isang paraan upang manatiling distracted sa mga negatibong bagay na nangyayari sa kasalukuyan.

Iniwan naman nito ang kaniyang contact number (0947-7297-768) upang makapagbigay ng tulong para sa mga nangangailangan ng propesyonal na pangangalaga, at sinabing madaming organisasyon ang may mga hotlines at maaaring magbigay ng libreng mental health service sa mga nangangailangan.

bottom of page