Pagkakaroon ng Milyon-Milyong Diyamante sa mga Surface ng Neptune at Uranus, Natuklasan

Sa pag-aaral ng mga siyentista, napag-alaman nilang isang chemical process ang nangyayari sa ilalim ng surface ng mga planetang Neptune at Uranus, at nakagagawa ito ng napakaraming diamonds.
Ayon sa datos, napakataas ng temperatura at napakainit sa loob ng mga naturang planeta na umaabot sa libo-libong degrees Farenheit, sa kabila ng napakalamig nilang atmosphere at environment, kaya naman nagdudulot ito ng pressure at nakagagawa ng mga diyamante kapag nahahati ang mga hydrocarbons.
Samantala, isinagawa ng U.S. Department of Energy’s SLAC National Accelerator Laboratory ang naturang eksperimento.