top of page

Paglalagay ng Barrier sa Motorcycle Taxis, Mandatoryo Parin, Ayon sa DILG


Mandatoryo ang paglalagay ng mga drayber ng motorcycle taxis na magkaroon ng sariling barrier upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na kasalukuyang lumalaganap sa bansa sa sandaling payagan ang mga ito na muling umarangkada sa kalsada sa mga susunod na araw.

Nilinaw naman ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, hindi naman obligado ang mga pasahero na magdala o magsuot ng sariling helmet, ngunit aniya ay mas makabubuti kung magkakaroon ang mga ito ng personal na helmet upang matiyak ang kaligtasan ng mga ito hindi lamang sa lansangan kundi pati sa kanilang kalusugan.

Naniniwala naman ang kalihim na malaking tulong para sa mga pasahero ang balik-biyahe ng mga motorcycle taxis sa kabila ng mahigpit na operasyon ng pamahalaan sa mga pampublikong sasakyan sanhi ng pandemyang kinakaharap ng bansa.

bottom of page