Paglipat sa Online Transaction System ng Gobyerno, Isinulong ni Pangulong Duterte

Sa kaniyang ika-limang State of the Nation Address (SONA), ipinarating ni President Rodrigo Roa Duterte ang kagustuhang ilipat sa paper-free work environment ang mga ahensiya ng gobyerno.
Inatasan ng pangulo ang Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Budget and Management (DBM), Red Tape Authority, at iba pang government units na gawing online ang ilan sa kanilang mga serbisyo.
Nanawagan si Duterte sa mga government agencies na magpatupad ng mga sistemang mag-aalis sa ‘physical queuing’ o pagpipila para sa mga serbisyo.
Aniya, kinakailangan raw ang e-governance upang makuha ng mamamayang Pilipino ang mga pangangailangan mula sa kani-kanilang mga tahanan o trabaho.
Siniguro din ni Pangulong Duterte ang business community at publiko sa mga benefits na makukuha mula sa pagpapatupaad ng Doing Business and Efficient Government Service Delivery upang mabawasan ang regulations sa government processes.