Pagpapahintulot sa mga Traditional Jeepney na Mamasada Simula sa Huwebes o Biyernes, Sinusuri Pa

Inanunsyo ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Martin Delgra na patuloy na pinag-aaralan ng kagawaran ang pagbibigay permiso sa "hari ng kalsada" na mamasada sa Metro Manila ngayong darating na Huwebes o Biyernes.
Bagaman sinusuri pa din ng LTFRB kung ano at saang mga ruta ang papayagang buksan, ipinahayag ng Malacañang na mga "roadworthy" o yaong mga sumusunod sa health protocols and measures na public utility vehicles lamang ang papayagang bumyahe.
Matatandaang sinuspinde ang pasada ng mga jeepney simula Marso upang masunod ang mga pag-iingat na ipinatutupad ng pamahalaan upang malabanan ang COVID-19.