top of page

Pagpaparehistro ng mga Online Businesses, Isinulong ng BIR


Dahil sa dami ng mga nagsusulputang online sellers at online shops dulot ng community quarantine, ipinahayag ng Bureau of Internal Revenue na kakailanganin nang iparehistro ng mga internet entreprenuers na ito ang kani-kanilang mga negosyo bago pumatak ang Hulyo 31 sa ilalim ng Revenue Memorandum Circular No. 60-2020.

Kasabay nito ay ang pagdeklara ng mga online business ng kanilang official receipt sa mga nakaraang transaksiyon upang malaman ng kagawaran ang kaukulong buwis na kanilang ipapatong.

Ang mga hindi makakaabot sa pagpaparehistro bago ang Hulyo 31 ay papatawan ng penalty.

Gayundin, binalaan ng BIR ang mga online business na hindi susunod sa alituntuning ito ay makatatanggap ng kaukulang kaparusahan sa ilalim ng batas.

Samantala, tutol naman si Senator Imee Marcos sa panukalang ito dahil hindi daw ito ang tamang panahon upang higpitan ang sinturon ng mga online sellers dahil sa COVID-19.

bottom of page