top of page

Pagpapataas ng Teaching Supplies Allowance para sa mga Pampublikong Guro, Isinusulong sa Kamara


Isinusulong sa Kamara ang panukalang batas na nagpapataas hanggang P20,000 na teaching supplies allowance para sa bawat public basic education teacher kada taon na may layong maitaas pa ang pondo ng mga ito para sa instructional materials na ginagamit sa paaralan.

Inihain ng liderato ng Kamara ang House Bill 7744 na naguutos sa pamahalaan na bigyan ng karagdagang pondo ang mga public basic education teacher para sa kanilang instructional materials gaya ng chalks, mga papel at iba pang kagamitan na ginagamit ng mga guro upang pagyabungin pa ang kaaalaman ng mga mag-aaral.

Sakaling maprubahan ito ay pansamantalang makatatanggap ang mga guro ng P10,000 sa unang taon, P15,000 sa pangalawang taon at posibleng umakyat hanggang P20,000 ang teaching supplies allowance sa ikatlo at susunod pang mga taon.

bottom of page