Pagpapatupad ng Face-to-Face Classes sa Batanes, Pasado Sa Kamara

Pasado sa Kamara ang isinumiteng resolusyon na nag-uutos sa pamahalaan na payagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasagawa ng face-to-face classes sa Batanes sa kadahilanang nananatiling low-risk sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) virus ang buong lalawigan.
Aprubado ng House of Representatives ang Resolution 1255 kung saan inaatasan ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF) at Department of Education (DepEd) na ikonsidera ang pagsasagawa ng face-to-face classes sa Batanes ngayong nasa kalagitnaan ng pandemya ang bansa.
Ayon sa paliwanag ng DepEd sa Kamara, dahil sa kawalan ng maayos na internet connection, isa sa mga pasanin ng mga estudyante at guro sa naturang bayan ay ang pagsasagawa ng online distance learning kaya minabuti ng kagawaran na payagan na lamang ang face-to-face classes para hindi maisaalang-alang ang pag-aaral ng mga mag-aaral dito.
Samantala, nanatili paring isa sa mga low-risk areas ng bansa ang Batanes kontra COVID-19 dahil sa mababang bilang ng naitatalang kaso mula rito, kaya naman hindi pangamba rito ang banta ng naturang sakit.