Pagsasagawa ng Clinical Trial ng Avigan sa Bansa, Hindi parin Nasisimulan


Hindi parin sinisimulan ang clinical trial ng anti-flu drug kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) na Avigan dahil hindi pa umano nakukumpleto ang mga dokumento para sa rehistrasyon nito sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kasalukuyang inaasikaso ng ahensya ang pagsasapinal ng naturang dokumento upang maumpisahan na ang pagsasagawa ng clinical trial sa bansa matapos maudlot ito noong Agosto.

Matatandaang noong Hulyo pa inaprubahan ang clinical trial ng Avigan na isasagawa

sa piling pagamutan at ospital sa bansa na lalahukan ng isang daang pasyente na nagpositibo sa sakit na coronavirus disease 2019 (COVID-19) at inaasahang mapapabuti ang kalagayan sa loob ng siyam na buwan.