Pagsasagawa ng Online Admission sa mga Kolehiyo at Unibersidad, “Problematic” Ayon sa CHED

Aminado ang Commission on Higher Education (CHED) na ang rekomendasyon na pagsasagawa ng online admission tests sa mga colleges and universities sa bansa ay “problematic” para sa ahensya.
Ayon sa panayam kay CHED chairman Prospero De Vera III, sinabi nito na isang hamon ang pagsasagawa ng online entrance examinations sa mga kolehiyo at unibersidad dahil aniya hindi nakakasiguro ang ahensya kung bata o iba ang
sumasagot sa pagsusuri.
Ani De Vera, kasalukuyang naghahanda na ang higher education institutions (HEIs) sakaling payagan ang online admission test sa mga state universities and colleges (SUs) sa academic 2021-2022 ngunit kinakailangan aniya na ibahin ang disenyo ng nito.
Bagama’t natapos na ang pagtanggap ng HEIs sa mga estudyanteng mag-aaral ngayong taon ay panibagong hamon na naman ito para sa ahensya sa kabila ng pandemyang kinakaharap ng bansa.