top of page

Pagsasapubliko ng Pangalan ng COVID-19 Patients Hindi Kailangan

Hindi na kailangan ilantad o isiwalat ang pangalan ng mga COVID-19 patients sa pagsasagawa ng contact tracing.

Sa isang panayam, sinabi ni Commissioner Raymund Liboro ng National Privacy Commission, na epektibong maisasagawa ang contact tracing ng mga pasyente nang hindi naisasawalang bahala ang pananatili ng privacy nito.

Ayon kay Liboro, ang mahalaga ay mailahad ang lugar kung saan ito nanggaling upang maalerto ang mga posibleng nakasalamuha ng pasyente at agad makipag-ugnayan sa gobyerno.

Sinasabi ng Data Privacy Act na pinapayagang makuha ang mga detalye ng pasyente kapag talagang may pangangailangan at sapat aniya ang probisyon nito para magampanan ng gobyerno ang proteksyon ng isang indibidwal.




bottom of page