top of page

Pagsuot ng Face Mask Habang Nag-eexercise, Hindi Aprubado ng WHO


Photo for illustration purposes only.

Habang patuloy na lumuluwag ang mga health protocol sa bansa at mandatory ang pagkakaroon ng face mask, ipinahayag ng World Health Organization (WHO) na mapanganib ang pagsusuot nito sa panahon ng pag-eexercise.

Sa inilabas na guidlines ng WHO, sinasabing makahahadlang ito sa maayos na pagdaloy ng hangin papunta at palabas sa ating katawan, at maaaring makapagdulot ito ng kahirapan sa paghinga.

Gayundin, ayon dito, maaaring mabasa ang mga face mask sa pawis ng tao at maaaring magkaroon ang mga ito ng iba't ibang micro-organisms na pwedeng magdulot ng mga sakit.

Sa kabilang banda, pinayuhan naman ng WHO ang mga nagnanais na mag-work out sa panahon ng pandemya na sa halip na magsuot ng mask, lagi na lamang panatilihin ang social distancing.

bottom of page