• Admin

Pagsusuot ng Face Mask at Social Distancing, ‘New Life’ ng mga Pinoy

Mariin na ipinaalala ni President Rodrigo Duterte sa publiko ang pagsusuot ng face mask at social distancing ang magiging ‘new life’ o ‘new normal’ ng mga Pilipino simula ngayon.

Sa kabila ng pag-aalis ng ECQ sa ilang mga lalawigan at barangay sa Pilipinas, binigyang-diin pa rin ng pangulo na hindi muna dapat pakampante lalo na’t wala pang bakuna o medikasyon laban sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Umapela din si Pangulong Duterte sa taong bayan na sumunod sa mga quarantine guidelines dahil hindi na umano kakayanin pa ng bansa ang pangalawa o pangatlong wave ng pagkalat ng COVID-19 infections.



9 views