• Estephany Rivera

Pagsusuot ng Face Mask, Kailangan na rin sa Voter’s Registration


Mahigpit na rin ipapatupad ng Commission on elections (COMELEC) ang pagsusuot ng face masks ng mga magpaparehistro o renew sa darating na voter’s registration sa Setyembre 1.

Sa kanilang facebook post, pinaalala ng ahensiya na susundin na ang ‘no face mask and no face shield, No registration’ na polisiya sa mga magpaparehistro.

Isasara naman ang mga COMELEC offices tuwing Martes at Sabado upang isagawa ang lingguhang disinfection ng mga ito.