Pagsusuot ng Face Mask sa Bahay, Ineengganyo ng DILG, DOH

Sinegunadahan ng Department of Health (DOH) ang mungkahi ng Department of Interior and Local Government (DILG) na pagsusuot ng face mask sa loob ng sariling bahay.
Inegganyo ni DILG Secretary Eduardo Año ang mga Pilipino na magsuot na lamang ng face masks kung hindi masusunod ang social distancing sa loob ng bahay.
Binaggit ni Año ang pagiging talamak ng hawahan ng COVID-19 sa mga pamilya, mahirap man o mayaman.
Ayon naman sa DOH, marapat lamang na magsuot ng face mask sa loob ng bahay kung sakali man na may miyembro ng pamilya na may COVID-19 ngunit asymptomatic.
Inanyayahan rin ng health department ang pagsusuot ng nasabing PPE kung mayroong kasama sa bahay na kabilang sa ‘vulnerable population’ tulad ng senior citizens o may mga nadaramang sakit o kondisyung-medikal.
Maliban sa face masks, pinayuhan rin daw ang pagsusuot ng face shield bilang karagdagang proteksyon.