Pagsusuot ng Face Shield para sa Backriders, Aprubado ng IATF


Contributed photo.

Aprubado ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang rekomendasyon ni Bohol Governor Arthur Yap na pagsusuot ng face shield ng mga backriders sa motorsiklo sakaling payagan na ito sa ilalim ng mahigpit na community quarantine.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ikinonsidera ng IATF ang naging rekomendasyon ng gobernador na maaring maging solusyon sakaling muling ibalik na ang angkas sa motorsiklo at payagan na ito ng pamahalaan, ngunit kinakailangan pa ng panuntunan mula sa Department of Transportation (DOTr) at National Task Force (NTF) kontra COVID-19 para sa pagpapatupad ng nasabing polisiya.

Kasalukuyang tinatapos ng DOTr at NTF ang guidelines na kinakailangang sundin ng mga motorcycle riders para sa polisiyang ihahain ng dalawang ahensya para sa mga backriders.