top of page

Pagsusuot ng Helmet ng mga Motorista, Sinuspinde sa Pagadian City


Contributed photo.

Dahil sa sunod sunod na pamamaril at pagnanakaw sa lungsod ng Pagadian, pansamantalang sinuspinde ng city council ang pagsusuot ng helmet ng mga motorista upang mahanap ang mga suspek.

Sinabi ni Pagadian City Police Chief Lt. Col. Alvin Saguban na bagamat nakuhanan sa security camera ang mga krimen, hindi matukoy ng kapulisan ang mga motoristang suspek dahil natatakpan ang kanilang mukha ng full-face helmets.

Nilinaw naman ni Pagadian City Mayor Samuel Co na kinakailangan pa rin nilang magsuot ng face masks upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Maliban sa full-face helmets, suspendido ang pagsusuot ng colored face masks, tinted face shield, bonnets, caps, hats, visors, sunglasses at eye protecting shields.

Naglabas ng P200,000 pabuya ang pamahalaan ng Pagadian City sa sinumang magakapagtuturo sa mga suspek.

bottom of page