Pagtaas ng Global Temperature, Posibleng Makapinsala sa Mahigit 3.5 Bilyong Katao sa 2070
Bunsod ng climate change, maaaring maaapektuhan ang tuluyang pagtaas ng temperatura sa tinatayang 3.5 bilyong katao na nakatira sa mga "extremely hot areas" sa loob lamang ng 50 taon.
Ayon sa pag-aaral ng Wageningen University sa Netherlands partikular na apekatado dito ang mga mahihirap.
Sinabi ni Marten Scheffer, isang ecologist sa naturang unibersidad, tinatayang patuloy na tumataas ang taunang global temperature ng 1.8 degrees Celsius kada-taon at sa 2070, posibleng hindi makatagal ang mga pamilyang walang air-conditioning unit, lalo na't padagdag nang padagdag ang populasyon sa buong mundo,
Pwedeng maranasan ito ng mga tao sa Africa, Asia, South America at Australia.
