top of page

Pagtatambak ng Synthetic White Sand sa Baywalk Area ng Manila Bay, Inulan ng Batikos


Contributed Photo.

Pinuna ng ilang Environment groups at umani ng samu’t saring batikos mula sa publiko ang pagtatambak ng synthetic white sand ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa baywalk area ng Manila Bay bilang bahagi ng rehabilitasyon nito.

Ayon kay Greenpeace Philippine campaigner Sonny Batungbacal, walang maitutulong ang pagtatambak ng white sand sa isang uncleaned environment gaya ng dalampasigan ng Manila Bay dahil maaring tangayin lamang ito ng mismong dagat sakaling may malakas na hangin at bagyong dumating.

Sinabi naman ni Oceana Philippines Vice President Gloria Estenzo, Mayroong malaking epekto ang ginawang hakbang ng DENR na pagtatambak ng synthetic white sand sa natural ecosystem ng naturang lugar.

Sa panayam ng Radyo Pilipino sa programang “Pulsong Pinoy” kay DENR Usec.

Benny Antiporda, nauna na nitong sinabi na nais iparanas ng kagawaran ang mala-Boracay na tanawin sa kanilang ginagawang rehabilitasyon sa Manila Bay partikular na ang baywalk area nito.


bottom of page