Pagtatayo ng 10,000 Libreng Wifi Spots sa Bansa, Target ng DICT bago Matapos ang 2020

Pinaplano na ng Department of Information ang Communications Technology (DICT) ang pagtatayo ng higit sa 5,000 pang wifi spots sa Pilipinas bago matapos ang taon 2020.
Ayon kay Deputy Spokesperson Adrian Echaus, layunin umano ng DICT na makapaglagay ng 10,069 wifi hotspots sa 2020 upang maabot ang goal ng ahensiya na pagtatayo ng 23,100 libreng wifi hotspots sa 2021.
Sa paglipat ng Sistema ng edukasyon sa bansa sa blended learning, nais rin daw ng DICT na madagdagan ang bilang ng libreng internet connectivity sa mga pampublikong paaralan, state universities and colleges, at Technical Education and Skills development (TESDA) training centers.
Plano ng ahensiya na maglagay ng nasa 2,500 libreng wifi spots malapit sa public school at mahigit 1,800 wifi spots sa mga kolehiyo.
Gayunpaman, sinabi din ni Ecahus na kailangan din pag-igtingin ng telecommunications companies ang kanilang internet connectivity dahil hindi ito kayang gawin ng gobyerno ng mag-isa.