top of page

Palasyo Nagbabala na Ibabalik ang ECQ kapag Nagpatuloy ang Pagdagsa ng Tao sa Malls sa MECQ Areas

Binalaan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang publiko, sa kaniyang online press briefing, na maaaring ipatupad muli ang enhanced community quarantine (ECQ) sa mga lugar sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ).

Ito’y matapos dumagsa ang mga tao sa mga nagbukas na shopping malls at makaligtaan ang social distancing at iba pang health protocols.

Ayon kay Roque, inaasahan ng palasyo ang pagtaas ng COVID-19 cases dahil dito.

Sinabi ni Health Secretary Maria Rosario Vergeire na kung maaari raw ay manatili na lamang sa kani-kaniyang tahanan upang maiwasan ang muling paglobo ng COVID-19 cases sa bansa.

Pinaalalahanan naman ni Roque ang management ng mga shopping malls na maaari silang ipasara o kasuhan kung hindi susunod sa health protocols.

Ang mga lugar sa ilalim ng MECQ mula May 16 ay Metro Manila, Laguna, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Zambales at Angeles City.


bottom of page