top of page

Palasyo, Nilinaw na Hindi Required ang Pagsusuot ng Face Shield sa GCQ Areas


Contributed Photo.

Nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi required ang pagsusuot ng face shields sa Metro Manila at Calabarzon sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Ito’y pagkatapos ianunsiyo ni Roque, sa taped address ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Biyernes, na pang-apat na minimum health standard ang pagsusuot ng face shield.

Sinabi ni Roque na ito raw ay rekomendasyon niya lamang at hindi kabilang sa bagong resolusyon na inilabas ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Ipinahayag naman ni Trade Secretary Ramon Lopez na nadadagdagan ng 90% ang proteksyon ng isang taong may suot na face shield at baka raw isali na ito sa guidelines ng IATF sa hinaharap.

Hinimok din ni Lopez ang mga tao na umpisahan na ang pagsusuot ng face shields para sa extra protection.

bottom of page