top of page

Palasyo, Pinuri ang COVID-19 Response ng Pilipinas


Binigyan ni Presidential Harry Roque ang COVID-19 response ng Pilipinas ng ‘Very good grade’ na 85% at sinabing ang bansa umano ang may ‘Best Testing Policy’ sa buong Asya, at posibleng pati na sa buong mundo.

Pinuri ni Roque ang COVID-19 testing capacity ng bansa dahil nakalagpas raw ito sa nirerekomenda ng World Health Organization (WHO) na 3% ng populasyon na dapat sumailalim sa testing.

Aniya, asahan pa raw ang patuloy na pagtaas ng bilang na ito sa patuloy na pagpapaigting ng gobyerno ng kanilang testing efforts.

Sa kabila nito, inamin din ng Presidential spokesperson na marami pang kailangan ayusin sa contact tracing ng pamahalaan. Kailangin pa umano ng mas marami isolation facilities upang maipatupad ang plano gobyerno na magkaroon ng ‘No Home Quarantine’ sa bansa.

bottom of page