Palawan, Hinirang Bilang “Best Island in The World” Ngayong Taon


Palawan Island

Muli na namang hinirang ang mala-paraisong isla ng Palawan bilang “Best Island in the World” mula sa taunang list ng world’s top island destination ng isang New York-based travel website na Travel+Leisure magazine.

Tinatayang umabot sa 94.84 ang kabuuang puntos ng isla na naging resulta upang makaabante ito sa mas mataas na ranggo kumpara sa iba pang bansa na lumahok sa listahan.

Naghayag naman sa social media ang Department of Tourism (DOT) ng lubos na pagpapasalamat sa muling pagtanggap nito ng pagkilala sa isla ng Palawan bilang tinaguriang pinakamahusay na isla sa buong mundo.

Matatandaang nakuha ng isla ng Palawan ang puwesto noong taong 2017, 2016 at 2013.

Samantala, nakuha naman ng isla ng Boracay ang ika-14 na puwesto at pang-lima sa buong Asya ngayong taon.