Palugit na 30 araw, Epektibo pa rin sa mga GCQ Areas, Ayon sa DTI

Ipinahayag ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na magkakaroon pa rin ng 30 araw na palugit o grace period para sa mga nangungupahan sa mga commercial at residential areas kahit na ang lugar ay nasa ilalim na ng General Community Quarantine (GCQ).
Sinabi ni Lopez na kailangang bigyang-pansin ang pagbabalik muli sa operasyon ng mga businesses kasabay ng pagpapatupad ng mga protocol para sa 'new normal' at paghihintay na ma-lift ang quarantine.
Sa ilalim ng inilabas na guidelines ng DTI, hindi dapat magpatong ng interest, penalty at iba pang charges ang mga lessor at hindi dapat paalisin sa inuupahan ang mga hindi makababayad sa panahon ng quarantine.
Gayundin, hindi naman responsibilidad ng lessor na irefund ang nga naibayad ng upa sa renta bago o habang nasa ilalim ang lugar sa GCQ.