top of page

Pambulikong Bus at Modern Jeepneys, Aarangkada na sa Hunyo sa Buong Metro Manila


Modern Jeepney. Photo from carmudi.com.ph.

Muling aarangkada ang mga pampublikong bus at modernong jeep sa buong Metro Manila sa June 21 pagkatapos ng higit dalawang lingo, sakaling iangat na ang modified enhanced community quarantine (MECQ) at isailalim na sa general community quarantine (GCQ) ang buong Metro Manila sa unang araw ng Hunyo.

Ayon kay Department of Transportation road sector consultant Alberto Suansing, mahigpit na susunod ang ahensya sa two-phased approach ng muling pagbubukas ng kalsada para sa mga pampublikong transportasyon na may limitadong kapasidad sa bawat sasakyan.

Papayagan rin ang pagbabalik operasyon ng mga point-to-point buses, taxi at Transportation Network Vehicle Services gaya ng Grab at pribadong sasakyan na may dalawang sakay lamang sa loob.

Hinihikayat din ang paggamit ng bisikleta bilang alternatibong transportasyon para maiwasan ang build-up ng traffic sa kalsada.

Samantala, ang mga backrides o angkas sa mga motorsiklo ay mahigpit parin na ipinagbabawal.

bottom of page