• Tj Ovivir

Pamilyang Pinalayas sa Tinitirhang Bahay sa Gitna ng Pandemya, Tumira sa Isang Abandonadong Kotse


Photo contributed.

Nakahanap ng bagong matutuluyan at masisilungan ang pamilya ni Christina dela Cruz sa pamamagitan ng isang abandonado at lumang kotse, matapos silang paalisin sa kanilang nirerentahang bahay sa 16th street, corner Bonifacio Drive, Manila.

Dahil walang trabaho ang mister ni Christina na isang government employee bunsod ng COVID-19 pandemic, hindi sila nakabayad ng renta sa loob ng ilang buwan.

Binanggit ni aling Christina na maswerte sila at nakahanap sila ng isang lumang kotse upang matuluyan.

Sa kabila ng mahirap na sitwasyong ito, hindi alintana ng kaniyang pamilya ang kahirapan at sinabing namumuhay sila ng masaya, kapiling ang kanilang mga alagang aso.