Pampublikong Bus Prayoridad ng LTFRB na Magbalik Operasyon sa GCQ

Prayoridad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga pampublikong bus sa pagbabalik operasyon nito sa ilalim ng general community quarantine.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, magiging kalahati ang ibabawas sa kabuuang kapasidad ng isang pampublikong sasakyan dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng social distancing.

Aniya, angkop ang pampublikong bus dahil mas malaki ang kapasidad nito at marami ang kayang isakay na pasahero kumpara sa ibang pambulikong sasakyan.

Dagdag ni Delgra, posibleng isunod na rin nila ang balik operasyon ng mga regular na jeep at van depende sa pangangailangan.


6 views