Pampublikong Paaralan Gagamitin Bilang Isolation Facilities

Nais nang pamahalaan na magsilbing isolation centers pansamantala ang mga pampublikong paaralan para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients matapos payagan ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones ang paggamit ng school facilities para sa mga pasyente.
Ayon sa pahayag ni Presidential spokesman Harry Roque, kabilang ang mga public school na gagamiting pasilidad para sa mga pasyente ng COVID-19 hanggang December 31 ng taong ito hangga’t hindi pa pinapayagan ang pagsasagawa ng face-to-face classes sa mga paaralan.
Ani Roque, dahil sa lumulubong kaso ng COVID-19 ay patuloy na nagsusumikap ang pamahalaan upang makagawa ng mas mainam na hakbang sa pagsugpo nito sa kinakaharap na krisis ng bansa.
Samantala, bukod sa mga paaralan ay posible ring gamitin ang iba pang hotel rooms bilang isolation units.