top of page

Pang. Duterte Bibili ng Radyo Bilang Bahagi ng Alternative Learning ng mga Mag-Aaral


Photo from pcoo.gov.ph

Hinahanapan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ng pondo ang nakatakdang pagbili niya ng mga radyo para sa mga mag-aaral bilang bahagi ng alternatibong solusyon sa pag-aaral ngayong darating na Agosto.

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, kung sakaling magtagal ang pademyang kasalukuyang nararanasan ay tiyak na mahihirapan ang buong bansa upang isagawa ang tradisyonal na gawi ng pag-aaral dahil sa banta ng COVID-19 sa kalusugan at buhay ng tao kung kaya’t gagamitin ang radyo bilang opsyon sa alternatibong solusyon sa pag-aaral.

Sinabi naman ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones, bukod sa paggamit ng online platforms bilang bahagi ng alternative mode of learning ng mga mag-aaral ngayong pasukan, isa rin ang telebisyon at radyo na ikinokonsidera ng kagawaran.

Kaugnay nito, hindi parin pinapayagan ng Palasyo ang face-to-face classes sa muling pagbubukas ng klase ngayong taon.

bottom of page