Pang-Limang Kaso sa COVID-19 Naitala Ngayon sa CARAGA Region
Kinumpirma ngayon (May 24, 2020) ng DOH Caraga ang ikalimang kaso sa COVID-19 sa rehiyon ng Caraga kasunod ng pagtanggap ng mga resulta mula sa Southern Philippines Medical Center.
Ayon kay DOH Regional Director Dr. Jose Llacuna ang pasyente ay isang 65-anyos na lalaki, Filipino mula Agusan Del Norte at may travel history sa Maynila noong Buwan ng Pebrero 2020.
Una itong naging asymptomatic subalit kamakailan lang ay naging positibo sa Rapid Antibody-based Test (RAT) na isinagawa ng lokal na pamahalaan.
Sinabi pa ni Dr. Llacuna na ang pasyente ay under strict quarantine mula pa nung dumating sa rehiyon at patuloy na ibubukod upang masubaybayang maigi na isinasaalang-alang ang mga kamakailang resulta nito.
