Pangalawang COVID-19 Drive-thru Testing Sa Maynila, Binuksan Na!

Muling naglunsad ang City government ng Manila ng kanilang ikalawang coronavirus disease 2019 (COVID-19) drive-thru testing sa Manila Quirino Grandstand nitong Linggo sa pangunguna ni Mayor Isko Moreno.
Kamakailan lamang ay binuksan ang kauna-unahang COVID-19 drive-thru testing sa harap ng Bonifacio Monument at umabot sa mahigit isang libo ang sumailalim sa naturang pagsusuri sa unang araw nito.
Kaya nang halos pitong-daang katao kada araw ang kayang tanggapin ng lungsod para sa lahat ng motorized vehicles, bicycles at iba pang uri ng motorsiklo na dumadaan sa lansangan ng Maynila, residente man o hindi.
Bukas tuwing alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes ang naturang drive-thru centers.