Pangolin Trade sa Bansa, Itinawag Pansin ng Isang International NGO

Dahil sa nakaalarmang illegal na palitan ng pangolin sa bansa, isang non-government organization (NGO) na bahagi ng wildlife monitoring network ang kasalukuyang umaaksyon patungkol dito.
Lumilitaw sa pag-aaral ng Traffic, isang organisasyon na nakikipag-ugnayan sa iba't ibang bansa upang pasulungin ang biodiversity at bigyang pansin ang wild animals trade, nasa 6,894 ang mga nasabat na Pangolin sa bansa.
Ayon sa Traffic, nangyayari ang mga insidenteng ito dahil sa paniniwala ng Chinese people na ang balat ng pangolin ay isang ingredient sa ancient medicine at na ang karne nito ay ginagamit nila para sa kanilang iilang delicacies.
Samantala, tinawag pansin naman ng Traffic ang gobyerno na paigtingin pa ang pagbabantay sa illegal na palitan ng pangolin dahil patuloy na tumataas ang bilang nito taon-taon.