Pangulo Duterte, Nagtalaga ng Bagong Comelec Commissioner

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong Commision on Elections (Comelec) Commissioner ang abugadong si Michael Peloton kapalit ni Loui Tito Guia.
Nitong September 17 nang italaga ng Pangulo si Peloton na mayroong pitong-taong termino at inaasahang magtatapos ito sa ika-2 ng Pebrero, taong 2027.
Ayon kay Comelec Chairperson Sheriff Abas, napapanahon ang pagkakatalaga kay Peloton dahil malaki ang maitutulong ng malawak na karanasan nito sa law field at information technology na siyang magpapabuti sa electoral process ng kanilang komisyon.
Kaugnay nito, wala pang nababanggit na pangalan ang Pangulo na posibleng pumalit kay dating commissioner Al Paraño na kamailan lamang ay nagretiro na.