Pangulong Duterte at US President Trump Nagusap Patungkol sa COVID-19
Updated: Apr 24, 2020
Nagkausap sa telepono si Pangulong Rodrigo Duterte at US President Donald Trump tungkol sa kinakaharap na krisis ng magkaibang bansa.
Ayon kay Sen. Bong Go, pinag usapan ng dalawang lider ang bilateral cooperation ng Amerika at Pilipinas laban sa COVID 19 pandemic.
Sinabi pa ni GO na labing walong minuto ang tinagal ng kanilang pag uusap. Kung saan hindi na nito dinetalye ang iba pa nilang pinag usapan.
Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ang may pinakamataas na kaso ng COVID 19 sa South East Asia, na may higit anim na libong kaso.
Samantala, ang US naman ang may pinakamataas na kaso sa buong mundo na lampas sa pitong daang libo na ang naitala rito.
